^

Metro

Staff ni Isko Moreno, itinumba sa loob ng bahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinasok sa bahay at nirat­rat ng armalite habang natutulog ang isang staff ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ng di pa kila­lang suspect sa harap mismo ng misis at dalawa nitong anak sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Almario Ignacio, 37, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Dakong alas-5:45 ng umaga kahapon nang pasukin at akyatin ang biktima sa ikatlong palapag ng bahay, na matatagpuan sa 76 Prudencio St., Tondo bago pinaputukan ng sunud-sunod.

Dalawa umano ang suspect kung saan ang isa na nagsilbing gunman ay nakasuot ng jacket na kulay orange na dire-diretsong umakyat sa loob ng bahay habang ang isa naman ay nagsilbing look out.

Matapos ang pamamaril nagbanta pa ang suspect sa pamilya ng biktima na huwag magsasalita at kung hindi ay papatayin din sila.

“Bigla na lang binuksan ang pinto, tuluy-tuloy at pinutukan ang tatay ko. Sunud-sunod po. Tapos ng putok nagsitayuan kami. Bago umalis, tinu­tukan kami. Sabi, ‘walang magsasalita, wala kayong na­­kita, papatayin ko kayo,” anang anak ng biktima na isa pang menor de edad na lalaki.

Pinag-aaralan pa rin ang foot­ages na nairekord ng closed-circuit television (CCTV) na nakalagay sa bisinidad o labas ng bahay ng biktima.

vuukle comment

BIGLA

DAKONG

DALAWA

JONATHAN ALMARIO IGNACIO

MATAPOS

MAYNILA

PINAG

PINASOK

PRUDENCIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with