^

Metro

Lolo pumalag sa 'hatak', utas

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Nasawi ang isang 64-anyos na lolo makaraang paluin sa ulo ng isang tauhan ng towing company gamit ang bakal na pangkalso matapos na makipagtalo ang matanda nang tangkaing hatakin ang ipinarada niyang van sa Pasay City kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa NAIA Medical Clinic ang biktimang si Alfonso Castano Sr., ng Sto. Niño, Parañaque City ngunit binawian rin ito ng buhay dahil sa pinsala sa ulo.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang mga tauhan ng Sun Valley Towing Services na mabilis na tumakas nang mawalan ng ulirat ang matanda matapos hatawin ng pang-kalso sa gulong ng sasakyan.

Sa imbestigasyon, ipina­rada ni Castano ang minama­nehong L300 van (ZKD-621) sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue malapit sa kanto ng Chapel Road dakong alas-2:30 ng hapon upang hintayin ang pagdating ng mga miyembro ng Congregation of Fran­ciscan Sisters Adorers of the Holy Cross na magmumula sa NAIA Terminal 1 na kanyang susunduin.

Hindi pa nagtatagal si Cas­tano sa pagparada nang dumating ang isang towing truck ng Sun Valley Towing Services, sakay ang may limang tauhan at kaagad na ikinasa ang pag­hatak sa van ng biktima.

Nakipagtalo umano ang matanda at ipinaliwanag na hindi puwedeng hatakin ang sasakyan dahil nakasakay naman siya at kung may paglabag ay dapat siyang tikitan.

Tumindi pa ang pagtatalo nang isa sa mga aroganteng lalaki ang humampas sa ulo ng biktima saka mabilis na nagsitakas.

vuukle comment

ALFONSO CASTANO SR.

CHAPEL ROAD

CONGREGATION OF FRAN

MEDICAL CLINIC

NAISUGOD

NAKIPAGTALO

NINOY AQUINO AVENUE

PASAY CITY

SISTERS ADORERS OF THE HOLY CROSS

SUN VALLEY TOWING SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with