^

Metro

Bagong laya itinumba

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang lalaking bagong laya sa piitan ang agad na nasawi makaraang taniman ng 10 bala ng baril sa kanyang katawan ng isang hindi pa nakikilalang sa­larin, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Ronald Bagat, 32, walang permanenteng tahanan at nakikituloy lamang sa operator ng ipinapasadang tricycle sa may Protacio St., Brgy. 112, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang krimen dakong alas-9 ng umaga habang namamasada ng tricycle si Bagat.

Nang makarating sa kanto ng M. delos Santos at Protacio St., isang hindi nakilalang lalaki ang humarang dito at sunud-sunod itong pinaputukan bago mabilis na tumakas.

May hinala ang mga imbestigador na maa­aring paghihiganti ang motibo ng naturang krimen. Ito’y makaraang mabatid na kalalaya lamang sa pagkakakulong ng biktima sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa kasong pangmo­molestiya sa isang dalaga may ilang taon na ang nakalilipas.

Bukod dito, tinitingnan din ang anggulo ukol sa iligal na droga dahil sa sinasabing gumagamit umano nito ang na­sawing biktima at palaging sangkot sa gulo sa kanilang lugar.

vuukle comment

BAGAT

BRGY

BUKOD

ISANG

NAKILALA

NEW BILIBID PRISONS

PASAY CITY

PROTACIO ST.

RONALD BAGAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with