^

Metro

2 bebot nagbigti sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang babae na hindi nakayanan ang problema sa pamilya at labis na depresyon ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang mga nasawi na sina Jamie Lee del Rosario, 25, dalaga ng Brgy. Sta Lucia; at Vina Grace Aliwalas, 42, ng Brgy. Bagbag, Novaliches sa lungsod.

Unang naitala ang pagbibigti ni Aliwalas sa kanyang tahanan kung saan ang ginamit nitong pambigti ay kordon ng rice cooker pasado alas-3 kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Mang Dionisio, tatay ng biktima, iniwan lamang nila ng kanyang asawa ang anak sa loob kasama ang dalawang taong gulang na anak nang pagbalik nila ay nakabitin na ito. Sinasabing na-depress ang biktima matapos itong masibak sa kompanyang pinapasukan.

Samantala, ganap na alas-2:30 kahapon ng ma­daling-araw naman ng matagpuang nakabitin ang biktimang si Del Rosario sa inuupahan nilang apartment gamit ang straw.

Ayon kay Allan Paralejas, kinakasama ng biktima, natagpuan na lang niyang hubad ang asawa habang nakahandusay sa sahig matapos na mapatid ang taling pinagbigtihan nito. Agad siyang humingi ng tulong sa kapitbahay at barangay opisyal sa lugar para sa kaukulang disposisyon.

Sinabi ni PO3 Modestino Juanson, may-hawak ng kaso, Huwebes pa ng iwan ni Paralejas ang biktima makaraan silang magtalo nito hinggil sa problema sa pamilya.

Sinasabing dumoble ang problema ng biktima nang malaman umano nitong buntis. Sa suicide note na iniwan ng biktima sa kanyang magulang ay nakasaad na “kase nga, may one week akong delay, baka dagdag problema to kapag positive kinalabasan.”

Dagdag pa ang “Walang kinalaman si Allan sa ginawa ko. Ginawa ko lang ito dahil sa problema at baka mabuo ang pagmamahalan namin ni Allan na sanhi ng pagsu-suicide ko na nakadagdag sa problema ko.”

vuukle comment

ALLAN PARALEJAS

AYON

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DEL ROSARIO

JAMIE LEE

MANG DIONISIO

MODESTINO JUANSON

QUEZON CITY POLICE

SINASABING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with