^

Metro

Ulo ng parak biniyak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Utas ang isang pulis-Maynila nang tagain na parang buko ang ulo nito ng isang lalaki na armado ng jungle bolo habang nani­ningil ng pautang ang una sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PO3 Luis Sagum, nakatalaga sa Manila City Hall Police Detachment at residente ng Coral St., Dagupan, Tondo, Maynila. Tinutugis naman ang suspect na kinilala sa alyas na “Alexis” na hindi pa matukoy ang motibo sa ginawang pamamaslang.

Nabatid na bukod sa malalim na sugat na tinamo ng pulis sa ulo ay putol din ang tatlong daliri nito nang tangkaing sanggahin ang pananaga. Naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa harap ng Emerald Bldg. sa Rizal Avenue, malapit sa LRT Carriedo Station, Sta. Cruz.

Ayon sa ulat, nakikipag-usap ang biktima sa isang Nashrodin “Nash” Taratingan, 37, at residente ng Pier, South Harbor nang biglang lapitan ng suspect at tagain umano sa ulo. Tumakas umano ang suspect at iniwan ang itak na ginamit.

Ayon sa impormasyon ng pulisya, ang biktima ay may mga pautang na patubuan sa mga sidewalk vendors at madalas itong makitang naniningil sa lugar.

vuukle comment

AYON

CARRIEDO STATION

CORAL ST.

CRUZ

EMERALD BLDG

LUIS SAGUM

MANILA CITY HALL POLICE DETACHMENT

MAYNILA

RIZAL AVENUE

SOUTH HARBOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with