^

Metro

Karnaper sumalakay sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Ilang araw na lang ay Pasko na kaya naman aktibo na naman ang mga carnapper matapos na isang sasakyan ng executive producer ng ABS-CBN channel 2 ang nata­ngayan ng sasakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang insidente ay nabatid makaraang dumu­log sa tanggapan ng Quezon City Police ang bikti­mang si Grace Casimsiman, executive producer ng programang Juanita Banana at residente sa Brgy. Roxas District para magreklamo.

Natangay sa biktima ang isang Mitsubishi Estrada model 2010 (PJO-828) na ipinarada lamang umano nito sa may harap ng isang apart­ment sa Scout Chuatoco St., Brgy. Roxas District sa lungsod ganap na alas-12 ng tanghali.

Sa imbestigasyon, pansamantalang ini­wan ng biktima ang sasakyan sa lugar at maka­lipas ang ilang oras nang ipakuha na niya ito sa asawa ay doon nabatid na wala na ito sa pinagparadahan.

Sinabi ng mga awtoridad, maaaring natunugan ng mga suspect na walang nagbabantay sa sasakyan kung kaya malaya nila itong nabuksan at natangay.

vuukle comment

BRGY

GRACE CASIMSIMAN

ILANG

JUANITA BANANA

MITSUBISHI ESTRADA

NATANGAY

PASKO

QUEZON CITY POLICE

ROXAS DISTRICT

SCOUT CHUATOCO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with