^

Metro

Bading natigok sa motel

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang umano’y bading ang nadiskubreng patay habang naka-check-in sa motel ka­sama ng isang lalaki sa Sta.Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Iniutos naman ni Insp. Armand Ma­caraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Sec­tion, ang imbestigasyon sa pag­kamatay ng biktimang si Mario Fermin, 38-40 anyos, may taas na 5’7’’, may katabaan, dahil sa sina­sabing matigas na ang bangkay nito nang ireport sa kanilang tanggapan.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Efren Flores, dakong alas-4:30 umano nang iwan ng isang Terencio Ametosa ang biktima sa loob ng inokupahang Room 201 ng Aristotle Inn sa Rizal Ave. upang maligo sa banyo.

Pagbalik niya umano ay nakita niyang nakasubsob na ang mukha sa kama ng bik­tima at matigas na rin ang katawan at hindi na umano humihinga.

Nagtataka naman ang Homicide Section kung bakit dakong alas-5 na ng umaga itinawag ang insidente sa nakakasakop na MPD-station 3.

“Kung 6:00 na nadiskub­reng patay na sinasabi ngang matigas na at malamig na yung katawan, parang ang tagal naman yatang maligo nung lalaking kasama,” ani Macaraeg. Nang puntahan ng mga awtoridad ang bangkay, nakasuot lamang ito ng itim na brief habang nasa kama.

Sinabi umano ni Ametosa na ginigising niya ang kasama nang mapansin niyang hindi na gumagalaw.

Dakong 5:20 ng madaling-araw nitong Biyernes nang pumasok sa nasabing motel ang biktima at kasamang lalaki.

vuukle comment

AMETOSA

ARISTOTLE INN

ARMAND MA

EFREN FLORES

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SEC

MARIO FERMIN

RIZAL AVE

SHY

TERENCIO AMETOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with