^

Metro

Outlet ng PAGCOR E-Games nilooban, sekyu sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milyong halaga ng salapi ang na­tangay sa isang outlet ng Philippine Gaming Corporation (PAGCOR­) E-Games matapos na holdapin ng apat na armadong suspect sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa naturang pangyayari, sugatan din ang security guard ng nasabing gusali na si Ernani Bacani, 44, matapos na paghahampasin ng puluhan ng baril sa ulo ng isa sa mga suspect, bago tuluyang iginapos .

Base sa ulat ng police Station 3 ng Quezon City Police, pasado alas-11 ng gabi nang atakehin ng mga suspect ang PAGCOR­ E-games na matatagpuan sa 130 Congressional Avenue­ sa lungsod. Sinasabing nagpunta ang mga suspect sa lugar na parang ordinaryong mananaya lamang sakay ng motorsiklo.

Pero ayon kay Bacani, maaaring hindi ang kanilang establi­simento ang puntirya ng mga suspect, kundi ang Mercedez Benz na nakaparada sa harap nila, dahil nagsimulang umatake ang mga ito nang kanyang sitahin habang aali-aligid sa naturang sasakyan.

“Nagtataka ako, kung bakit walang plate number ang motor nila (suspects) tapos nakatingin sa Mercedez Benz ’yung dalawa, kaya sinita ko,” sabi ni Bacani.

Pero matapos na sitahin ni Bacani ang mga suspect, bigla na lamang umano siyang pinagbalingan ng mga ito kung saan dalawa sa mga ito ang pumanik sa itaas at tinutukan siya ng baril sabay deklara ng holdap, habang nagsilbi namang look-out ang dalawa.

Matapos nito, agad na nagtungo sa kahera ang mga suspect at nilimas ang maghapong kita nito. Hindi pa nasiyahan maging ang mga kustomer sa loob ay pinadapa bago kinuha ang mga gamit at mabilis na nagsipagtakas. Patuloy ang pagsisiyasat ng QCPD sa nasabing insidente.

vuukle comment

BACANI

CONGRESSIONAL AVENUE

E-GAMES

ERNANI BACANI

MERCEDEZ BENZ

PERO

PHILIPPINE GAMING CORPORATION

QUEZON CITY POLICE

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with