^

Metro

Barker kinatay, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Dead-on-arrival sa UERM Hospital ang isang 37-anyos na barker ng pampasadang dyip nang pagsasaksakin ng di pa matukoy na salarin, habang nagtatawag ng pasahero sa Sta. Mesa, Maynila, inulat kahapon.

Kinilala ni Insp. Armand Macaraeg ang biktimang si Gerardo Velez, may live-in partner ng De Dios St., Sta. Mesa, Maynila. Walang nais tumestigo sa insidente upang matukoy ang suspect.

Sa ulat ni SPO3  Paul Dennis Javier ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa panulukan ng Ramon Magsaysay Blvd., at De Dios St., Sta Mesa, Maynila nitong Huwebes (Oktubre 21).

Ilang saksi ang nagsabi na nakita na lamang nilang tumatakbong duguan ang bik­tima at humihingi ng tulong na dalhin siya sa pa­ga­mu­tan bago tuluyang humandusay. Na­batid na huling nakita ang biktima na nagta­tawag ng pasahero.

Posibleng may nakaalitan umano ang bik­tima na nauwi sa pananaksak.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

DE DIOS ST.

GERARDO VELEZ

HUWEBES

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PAUL DENNIS JAVIER

RAMON MAGSAYSAY BLVD

SHY

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with