^

Metro

Kundi kasama ang magulang, Menor de edad na dayuhan, bawal sa RP

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipapatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang pagbabawal sa pagpasok sa bansa ng mga dayuhang menor de edad na walang kasamang mga magulang.

Ito ay matapos na mag­palabas si BI officer in charge (OIC) Ronaldo Le­desma ng isang memorandum order na nagsasaad ng bagong kautusan kaugnay sa pag-iisyu ng waivers of exclusion sa papasok sa bansa na mga dayuhang menor de edad na walang kasama.

Nakasaad sa inamyen­dahang kautusan, ang mga walang kasamang dayu­hang menor de edad ay papayagang pumasok sa bansa matapos na mag­bayad ang guardian nito o representante ng waiver na P3,200 sa BI cashier na matatagpuan pagpasok ng paliparan.

Kinakailangan din na ang Immigration officers ang siyang mag-iingat sa pa­saporte ng menor de edad gayundin ang kopya ng plane ticket nito at arrival card upang mahigpit na mamonitor ng BI ang pag­dating at pag-alis nito na mayroon lamang limitadong pananatili sa Pilipinas bilang bisita o turista.

Nilinaw ni Ledesma na ang bagong kautusan ay ginawa upang matugunan ang mga ulat na mayroong mga dayuhang menor na umano’y nag-aaral sa bansa ng walang kaukulang study permits at student visas.

Karamihan sa umano’y mga foreign minors ang Koreans na nag-aaral sa English language centers na pumapasok sa bansa sa pamamagitan ng waivers of exclusion for unaccompanied minors na nakasaad sa ilalim ng Immigration Act.

Kinakailangan din na ang immigration officers sa airports ay ilagda ang petsa kung kailan na umalis ang menor de edad at siguruhin na naka­sulat ang lahat ng impor­tanteng impormas­ yon na nakasaad sa pasa­porte nito.

Idinagdag pa ni Santos na upang maiwasan ang anu­ mang abala para sa re­presentative ng dayuhang menor de edad na nagna­nais na bumisita sa Pilipinas maari silang mag-apply ng waiver of exclusion sa BI OIC bago ang kanilang pagda­ting.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

EDAD

IDINAGDAG

IMMIGRATION ACT

KINAKAILANGAN

MENOR

PILIPINAS

RONALDO LE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with