^

Metro

2 'Baklas-kotse gang', timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang dalawang kilabot na miyembro ng “Baklas kotse gang” matapos na maaresto ng isang kagawad ng pulisya na may-ari ng biniktima nilang kotse sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga suspect na sina Ronald Gallerron, 35, at Jaymart Candido, 18, kapwa ng Phase 1-D, Brgy. Kasiglahan Village, Montalban Rizal.

Ang mga suspect ay natimbog ni Senior Insp. Vicente Belaro, naka­talaga sa Sta. Mesa Police Station ng Manila Police District Office matapos na baklasin at tangayin ng mga ito ang dalawang side mirrors ng kanyang kotseng Isuzu Bighorn (RAV-206).

Nangyari ang insidente sa may Quezon Avenue corner Scout Chuatoco, Brgy. Roxas District sa lungsod ganap na alas -11 ng gabi. Ayon kay Belaro, alas-9 ng gabi nang iparada niya ang kanyang kotse sa nasabing lugar ng walang nagbabantay.

Makalipas ang tatlong oras, pagbalik ni Belaro ay nagulat na lang siya nang makita na wala na ang dalawang side mirror ng kanyang sasakyan at nakita niyang hawak ito ng mga suspect.

 Dahil dito, hinabol ni Bolero ang mga suspect at matapos ang maikling habulan ay nadakip rin niya ang mga ito at dinala sa himpilan ng pulisya. Inihahanda na ang kasong theft laban sa mga suspect na ang modus operandi ay magkunwaring mga parking boy.

vuukle comment

BELARO

BRGY

ISUZU BIGHORN

JAYMART CANDIDO

KASIGLAHAN VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT OFFICE

MESA POLICE STATION

MONTALBAN RIZAL

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with