^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Taguig

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang kapwa nasawi sa magkahi­walay na insidente ng pama­maril sa “Muslim Center” sa Taguig City mula kamakalawa ng gabi.           

Sa ulat ng Taguig City po­lice, nakilala ang mga nasawi na sina Ismael Mama, ng Ca­ra­may St., Pag-asa Village, Brgy. Ka­unla­ran at Gifford Ta­nudra, 32, ng Blk. 32 Lot 7 Bar­racks St., Maharlika Village.           

Nabatid na naglalakad sa Kabuntalan Street sa Mahar­lika Village si Mama dakong alas-4 ng hapon nang umali­ngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa madiskubre ang duguang bangkay nito sanhi ng tama ng mga bala ng kalibre .45 baril.

Naging pala­isipan naman sa pulisya ang pagsira sa ebi­densiya ng mga kaanak ma­tapos kunin ka­agad ang bang­kay at linisin ang lugar na pinangyarihan ng krimen.          

Dakong alas-12:40 naman ng madaling-araw nang pag­babarilin sa loob ng kanyang bahay ng mga hindi nakilalang suspek ang biktimang si Ta­nudra. Hinihinalang kakilala ng bik­tima ang mga pumaslang dahil sa pinagbuksan pa umano nito ng pinto ang mga salarin.

Narekober ng pulisya ang mga basyo ng bala ng M-16 armalite rifle at hindi pa mabatid na kalibre ng baril tanda na hindi lamang iisa ang pumaslang sa biktima.           

Tikom naman ang bibig ng mga residente ng Muslim Center kaya nahihirapan ang pulisya sa imbestigasyon. 

Inaalam ng pulisya ang ang­gulo sa iligal na droga at ang posibilidad na may ka­ugnayan ang dalawang na­ga­nap na pagpatay. 

vuukle comment

GIFFORD TA

ISMAEL MAMA

KABUNTALAN STREET

MAHARLIKA VILLAGE

MUSLIM CENTER

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with