^

Metro

Paslit todas sa silver cleaner

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang isa’t kalahating taon na bata na sinasabing nakainom ng silver cleaner, kahapon ng umaga sa Paco, Maynila.

Lumagda na lamang ng waiver ang mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang “Bebe”, residente ng Paco, Maynila sa Manila Police District-Homicide Section na huwag nang imbestigahan ang kaso dahil tiyak nilang nainom ng hindi sinasadya ng biktima ang nasabing asido.

Sa ulat na itinawag ng isang Nathaniel Abollo, security guard ng OSMA, dakong alas-11:00 ng tanghali kahapon idineklara ang pagkamatay ng biktima sa MPD-Homicide Section. Agad namang nagtungo sa ospital si Det. Paul Dennis Javier kung saan sinabing aksidenteng nainom ang natu­rang kemikal.

Nanawagan naman si C/Insp. Erwin Mar­garejo sa mga magulang at sinumang nakatatanda na huwag hayaang nakakalat ang silver cleaner at sa halip ay itago ito upang di pagkamalang inumin at hindi rin matukso ang mga nag-iisip magpatiwakal na gamitin ito.

vuukle comment

BEBE

ERWIN MAR

HOMICIDE SECTION

LUMAGDA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NANAWAGAN

NATHANIEL ABOLLO

OSPITAL

PAUL DENNIS JAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with