^

Metro

'Exhibitionist' dinampot

-

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na bina­tang miyembro ng Batang City Jail na si Noel Cruz ang ipinaaresto sa pulisya dahil sa pagpapakita ng kanyang ari at panghihipo sa dibdib ng isang 11-anyos na dala­gita sa Quinta Market, Quiapo, Manila kamakalawa ng hapon.

Sinabi ng biktimang iti­nago sa alyas na Kristine na lasing na lasing si Cruz nang harangin at paghihipuan siya nito sa loob ng naturang palengke.

Bago naganap ang insi­dente, nakita si Cruz na nag­wawala dahil sa kalasingan na madalas umano niyang gawin.

Kasunod nito, hinarang ni Cruz si Kristine na pupunta sana sa isang tindahan at pinakitaan ng kaniyang ‘ari’ kaya natakot at iniwasan nito ng biktima.

Hindi akalain ng dalagita na hahabulin siya at paghihi­masin ang kaniyang dibdib ng suspek.

Inireport ng mga magu­lang ng biktima sa pulisya ang insidente kaya naaresto ang suspek na ipinagharap ng kasong paglabag sa Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at Indecent show in public place. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ACTS OF LASCIVIOUSNESS

BATANG CITY JAIL

CRUZ

INIREPORT

ISANG

KASUNOD

KRISTINE

LUDY BERMUDO

NOEL CRUZ

QUINTA MARKET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with