^

Metro

Pulis Makati na-in-despair, nag-suicide

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang bagitong pulis ang sa­riling buhay makaraang mag­baril sa sarili dahil sa hini­hi­­nalang kabiguan sa pag-ibig, kamakalawa ng ma­da­ling-araw sa Makati City.

Sa naantalang ulat, nakilala ang nasawi na si PO1 Aris Khristopher Joseph Fernandez, 27, bi­nata, nakatalaga sa Ma­kati City Police Mobile Patrol Unit at naninirahan sa Crisostomo St., Sam­paloc, Maynila.

Nabatid na naganap ang pagpapatiwakal da­kong ala-1:33 ng mada­ling-araw noong Linggo sa tapat ng Tawishi Bar and Restaurant sa may Dela Rosa Avenue sa Brgy. Pio del Pilar, ng na­turang lungsod.

Ayon sa mga saksi, mag-isa umanong umi­inom ng alak ang biktima hanggang sa lumabas ng bar. Dito inilabas ng na­sawi ang kanyang cal. 9mm service firearm at iti­nutok sa ulo saka pina­putok. Naisugod pa sa pina­ka­malapit na paga­mutan ang biktima ngunit hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Ayon sa ilang saksi, isang babae umano ang nakatalo ng biktima sa loob ng naturang bar bago ito nagbaril sa sarili. Ito rin umano ang babae na nagpapalahaw ng iyak makaraang matukla­ san ang duguang ka­tawan ni Fernandez.

Nagsasagawa pa rin naman ng masusing im­bestigasyon ang pu­lisya upang makilala ang na­tu­rang babae at maka­pag­bigay ng pahayag para malinawan ang ugat ng naturang pagpapa­tiwakal.

vuukle comment

ARIS KHRISTOPHER JOSEPH FERNANDEZ

AYON

BRGY

CITY POLICE MOBILE PATROL UNIT

CRISOSTOMO ST.

DELA ROSA AVENUE

DITO

MAKATI CITY

SHY

TAWISHI BAR AND RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with