^

Metro

Kelot itinumba ng riding in tandem

-

MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang mukha at katawan ng isang binata na kilala umano bilang kilabot na mandurukot matapos na tadtarin ng bala ng riding in tandem habang ang una ay umiinom ng alak sa isang tindahan sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Onsehan sa kasama­han o kumpetensya sa trabaho ang tinitignang motibo ng pulisya sa pamamaril sa biktimang si Ricky Mabahin, alyas Lupen, 35, binata ng Block 10, Lot 8, Brgy. Com­mon­wealth sa lung­sod.

Ayon sa ulat lulan sa isang motorsiklo ang mga suspect na armado ng kalibre 45 at kalibre 9 mm na baril.

Sinasabing si Maba­hin ay madalas umanong nahuhuli at nakukulong sa Batasan Hills Police Station 6 dahil sa iba’t ibang kaso ng theft at robbery ngunit napapalaya din matapos na hindi na magpakita pa ang mga nagrereklamo laban dito.

Ayon sa mga resi­dente sa lugar kilalang mandu­rukot umano ang biktima dahilan para ma­bansagan siyang pala­yaw na Lupen, isang sikat na cartoon karakter na kilabot sa pan­durukot. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS POLICE STATION

BRGY

LUPEN

MABA

NAGKABUTAS

ONSEHAN

RICKY MABAHIN

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with