^

Metro

'Dugo-dugo gang', arestado

-

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Manila Police District (MPD) sa publiko hinggil sa isa pang modus-operandi ng ‘Dugo-dugo gang’ na tumatawag sa cellphone at nag­pa­panggap na kakilala upang makatangay ng salapi sa pamamagitan ng pagpapa-deposito ng salapi sa automated teller machine (ATM).

Bunsod ito ng pagkakatiklo sa isang 38-anyos na binatang pinaniniwala­ang miyem­bro ng grupo na nakadale ng P15,000 sa branch manager ng Board­walk-Iloilo branch na dumalo lamang sa seminar sa Quiapo, Maynila, kama­kalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Laureal Monte, ng LRC Compound, CM Recto Ave., Sta Cruz, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si John Rodrigo Tomas III, 22, dakong alas-2 ng hapon nang ideposito umano ng bik­tima sa isang express teller sa Quezon Blvd.-Branch, Quiapo, Maynila ang P15,000 ma­tapos makatanggap ng tawag sa nagpa­kilalang Bernardo Madera. Dahil amo niya si Madera, inakala niyang totoo ang sina­sabi ng kausap na ang P50,000 ay ihulog niya sa account ng isang Dr. Richard Samaniego, para umano sa Philippine Heart sponsorship.

Nagduda lamang umano siya kung bakit agad tumawag ang nagpakilalang si Madera na ipinadedeposito pa ang kakulangan niyang P35,000.

Agad niyang tinawagan ang numero ng amo at doon niya natuklasan na ibang tao ang tumawag sa kaniya at kinumpirma ng tunay na Madera na wala siyang tawag o utos na magdeposito ng pera.

Dahil hindi naman taga-Maynila ang biktima, nagpatulong ito sa branch ma­nager ng Boardwalk-Manila na si Charlie Velasco para matukoy ang may-ari ng account. Nang matunton ng banko, agad nagsagawa ng operasyon ang MPD-Station 3 na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek na siya pala ang may-ari ng bank account number. Patuloy na ini­imbestigahan ang suspek upang matukoy din ang mga kasabwat nito at kung may iba pang criminal record. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BERNARDO MADERA

CHARLIE VELASCO

DAHIL

DR. RICHARD SAMANIEGO

JOHN RODRIGO TOMAS

LAUREAL MONTE

LUDY BERMUDO

MADERA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with