^

Metro

Hospital director sinibak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tinanggal ni Manila Mayor Alfredo Lim sa tungkulin ang director ng Gat. Bonifacio Memorial and Medical Center na nasa Del Pan, Tondo sa lunsod na ito matapos umano nitong tanggihan ang isang babaeng buntis na nanganak noong nakaraang buwan.

Ipinalit kay Dr. Evangeline Morales ang director ng Ospital ng Maynila na si Dr. Fidel Chua. Ililipat naman si Morales sa Manila Health Department.

Mismong sa People’s Day ipinahayag ni Lim ang pagka­katanggal kay Morales dahil tumanggi itong tang­gapin sa naturang ospital ang isang pasyenteng si Leslie dela Fiesta, 17-anyos, ng Gagalangin, Tondo noong Hunyo 26.

Sinabi ni Lim na may nakarating sa kanyang report na nakalabas na umano ang ulo ng sanggol ni dela Fiesta subalit hindi pa rin ito tinanggap sa nasabing ospital sa dahilang hindi ito doon nagpapa-check up.

Idiniin ni Lim na mahigpit ang kanyang kautusan na, pag­dating ng emergency, walang pasyenteng tatang­gihan at sa halip ay kailangan na bigyan ng medical attention.

Pinabulaanan ni Morales ang akusasyon kasabay ng pahayag na hindi niya tatanggapin ang puwesto sa MHD dahil alam niya ang kanyang kapasidad.

vuukle comment

BONIFACIO MEMORIAL AND MEDICAL CENTER

DEL PAN

DR. EVANGELINE MORALES

DR. FIDEL CHUA

GAGALANGIN

HUNYO

IDINIIN

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with