^

Metro

Full alert status ng PNP mananatili sa Metro Manila

-

MANILA, Philippines - Mananatili ang full alert status ng Philippine National Police (PNP) sa buong Metro Manila kaugnay ng Oplan Balik Eskuwela.

Ito ang inihayag kahapon ni Police Community Relations Group (PCRG) Director Chief Supt. Nicanor Bartolome.

Sinabi ni Bartolome na pa­tuloy ang pagpapairal ng ‘full alert status’ ng PNP upang tiya­kin ang seguridad ng mga es­tudyante laban sa mga masa­samang elemento lalo na sa mga unibersity belt.

Ayon sa opisyal, ito’y sa ka­da­­hilanang ang iba pang mga pribadong eskuwelahan naman sa iba’t ibang mga lugar sa Na­tional Capital Region (NCR) ay magbubukas ng klase umpisa sa darating na Lunes.

Nauna nang itinaas sa full alert status ng PNP ang puwer­sa nito sa Metro Manila kasu­nod ng pagbabalik eskuwela ng mga estudyante sa mga pam­publi­kong paaralan at ilang mga pri­bado nitong nakalipas na Hunyo 1.

Partikular namang mahigpit na binabantayan ang university belt sa kahabaan ng Recto, Taft Ave., España patungong Quiapo at iba pang mga lugar na kinaro­ roonan ng mga nagla­lakihang unibersidad, kolehiyo at iba pang mga pribadong pa­ara­lan sa sekondarya at ele­men­tarya.

Kaugnay nito, binigyan ng ‘safe­ty tips’ ni Bartolome ang mga estudyante na isagawa ang kaukulang pag-iingat upang hindi mabiktima ng mga masasamang elemento.

Kabilang dito ay huwag ma­ki­kipag-usap sa mga estrang­hero; maging alerto laban sa mga kahina-hinalang kilos ng mga di-kilalang personalidad, iwasang maglakad ng nag-iisa lalo na sa mga madidilim na lugar, huwag magsuot ng mga ma­­mahaling alahas at kung maaari, lalo na ang mga babae, ay piliin ang mga aralin sa ka­­nilang iskedyul na pang-umaga saka pang-hapon at iba pa. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARTOLOME

CAPITAL REGION

DIRECTOR CHIEF SUPT

JOY CANTOS

METRO MANILA

NICANOR BARTOLOME

OPLAN BALIK ESKUWELA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with