^

Metro

Basurero tinigok ng solvent boy

-

MANILA, Philippines – Patay ang isang 46-anyos na basurero nang saksakin ng ice pick sa dibdib ng isang umano’y solvent boy na nagtangkang mag­nakaw sa kapiranggot na kinita ng una sa Sta. Cruz, Maynila,  kahapon ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Antonio Dela Cruz, tubong Bulacan. Tinutugis na ng pulisya ang suspek na inilarawang nasa gulang na 24-26, kalbo ang gupit ng buhok, nakasuot ng kulay orange na t-shirt at  armado ng ice pick .

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa isang nakaparadang push cart sa gilid ng pader ng P. Gomez  Elementary School, na matatagpuan sa panu­lukan ng  Fuguso st.  at Quezon Blvd., Sta. Cruz, Maynila. 

Nabatid na natutulog ang biktima at live-in partner nitong si Edna Dalica, 33, habang sa kanilang tabi ay natutulog din ang isa pang pulubi na si Rolando Santos, 56, nang makitang umali-aligid umano ang suspek na noo’y sumusinghot ng rugby.

Katabi umano ng biktima ang nakaparadang kariton na nag­ sisilbing tahanan, na planong pagnakawan ng suspek. Nakitang kina­kalkal umano ng suspek ang push cart at nang magising ang biktima ay hindi nakaporma ang suspek kaya na ‘bad trip’ umano ito at bumunot ng dala niyang ice pick sabay unday sa dibdib ng biktima.

Nagtangka pang tumayo ng biktima subalit sugatan na ito kaya muling bumagsak at tuluyang binawian ng buhay habang ang suspek ay mabilis na tumakas. Duda ang mga kasama ng biktima na hinahanap ng suspek ang kinita ng biktima sa loob ng kariton upang makabili muli ng rugby. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

ANTONIO DELA CRUZ

BIKTIMA

CRUZ

EDNA DALICA

ELEMENTARY SCHOOL

LUDY BERMUDO

MAYNILA

QUEZON BLVD

ROLANDO SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with