^

Metro

Bagong laya binoga

-

MANILA, Philippines – Isang bagong laya na binata ang binaril at napatay ng da­lawang kalaban niyang gang habang ang una ay natutulog sa isang kahoy na bangko, sa labas ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Jonathan Tor­res, alyas “Tango”, ng Int. Pearl corner Osmeña at M. Dela Fuente Sts. Tondo Maynila.

Sa ulat ni Det. Benito Cabatbat ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-4:00 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente sa panulu­­kan ng Osmeña at M. Dela Fuente Sts, Tondo.

Pinaghahanap naman ang dalawang di nakilalang suspek na kapwa armado ng sumpak at revolver.

Nabatid na habang ma­him­bing ang pagkakatulog ng biktima ay biglang su­mulpot ang dalawang sus­pek at binaril ito sa ulo. Tuma­ kas umano ang mga suspek matapos ang pa­mamaril.

Hinala ng imbestigador, pag­hihigante ng kalabang gang ang motibo sa pag­patay sa biktima matapos matumba umano ang kani­lang ka-mi­yembro.

Nabatid din na kalalaya pa lamang mula sa Manila City jail ng biktima, na nakulong sa loob ng anim na buwan sa hindi bi­nanggit na kaso. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BENITO CABATBAT

DELA FUENTE STS

JONATHAN TOR

LUDY BERMUDO

MANILA CITY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NABATID

OSME

SHY

TONDO MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with