^

Metro

Matadero binoga sa ulo

-

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang matadero nang ba­rilin ito ng malapitan sa sen­tido ng hindi pa nakiki­lalang suspect habang ang una ay abala sa pagta­tadtad ng karne sa loob ng pamilihan, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City. Namatay habang nila­la­patan ng lunas sa Pasay City General Hospital bu­nga ng tama ng bala ng .45 kalibre ng baril ang bik­timang si Walter Espino 33 at residente ng P. Villa­nueva St., nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-2 ng ma­­daling-araw nang mang­­yari ang nasabing insidente sa loob ng Pasay City Public Market sa Libertad St. ng lungsod. Ayon sa pahayag ng sak­sing si Erwin Gu­layo, kapwa matansero ng bik­tima, kasalukuyang ina­atado ng huli ang karne ng baka sa isang stall sa meat section nang lapitan ng isang lalaki na nakasuot ng kulay asul na jacket, itim na pantalon, natatakpan ang mukha ng maliit na tuwalya at agad na binaril ang huli sa kaliwang sentido nito. Matapos ang insidente ay agad na tuma­kas ang suspect patu­ngong Taft Ave­nue sakay sa isang nag­hihintay na tricycle na nakaparada sa labas ng palengke. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

ERWIN GU

LIBERTAD ST.

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY PUBLIC MARKET

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TAFT AVE

WALTER ESPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with