^

Metro

2 holdaper ng FX nalambat sa senyas

-

MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging alerto, nasakote ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang dalawang sinasabing kilabot na holdaper makaraang biktimahin ang isang FX taxi kamakalawa.

Nakilala ang mga suspek na sina Fornobes Cabe, 34, ng Block 404 Phase 3 Unit 5, Brgy. Tigbe, Sapang Palay, Bulacan; at si Framer Bearwin, 28, ng North Hill Village, Bitunggol, Norzagaray, Bulacan.

Nakilala naman ang kanilang mga biktima na sina Liza Sagallo, 37; Angelo Merano, 20; Jennifer Carullo, 25; Bhona Buenconsejo, 26; at Edgardo Libon, 39.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 2, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kamakalawa ng umaga sa may kanto ng Panay at Quezon Avenue. Nabatid na unang sumakay ang tatlong holdaper sa may tapat ng Sto. Domingo Church at nagpanggap na mga pasahero.

Habang nililimas ang mga gamit ng mga pasahero, nagawa namang makasenyas ng driver ng taxi sa nagpapatrulyang mobile car ng QCPD na bumuntot sa taxi. Nang bumaba ang mga suspek, dito na hinabol ng mga pulis ang mga ito kung saan nasakote si Bearwin habang nakatakas ang dalawa pa.    

 Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation si Cabe sa bahay nito matapos na inguso ni Bearwin sa isingawang tactical interrogation habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasamahan. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANGELO MERANO

BEARWIN

BHONA BUENCONSEJO

BULACAN

DANILO GARCIA

DOMINGO CHURCH

EDGARDO LIBON

FORNOBES CABE

FRAMER BEARWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with