^

Metro

Mag-asawa ginulpi ng ex-lover ni misis

-

Kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital ang mag-asawang Ramon Aquino, 48 anyos, at Sherryl Lenon, 31 anyos, ng Imus, Cavite makaraang bugbugin sila ng dating nobyo ng huli na si Jerold Sunga sa harap ng Department of Foreign Affairs sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Sherryl na dati niyang nobyo si Sunga. Nakipag­kalas siya rito noon dahil sa pagiging iresponsable nito at hindi nila pagkakasundo sa maraming bagay hanggang sa maka­pag-asawa siya ng iba.

Susunduin sana umano ng suspek ang dating nobya nang makitang magkaakbay ang mag-asawa habang nag­lalakad sa tapat ng DFA at agad na kinompronta ang mga ito. Nang ipagtapat ng babae na asawa na niya ang kasa­mang disc jockey ng pinapasukan niyang bar ay biglang nag­wala ang suspek at naging bayolente ito hanggang sa pagbubugbugin sila nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CAVITE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JEROLD SUNGA

NAKIPAG

NANG

PASAY CITY

RAMON AQUINO

ROSE TAMAYO-TESORO

SHERRYL

SHERRYL LENON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with