^

Metro

Neuro-surgery ward ng PGH, nasunog

-

Isang sunog na pinani­niwalaang nagbuhat sa de­pektibong bentilador ang sinasabing dahilan ng   pag­ka­abo ilang bahagi ng neuro-surgery ward ng Philippine General Hospital sa Rizal Avenue, Sta. Cruz Maynila.

Kasabay nito, laking pasa­salamat naman ng tagapag­salita ng PGH na si Dr. Michael Tee, na walang na­saktan sa sunog na naganap kamakalawa ng umaga.

Agad namang inutos ni Dr. Carmelo Alfilor, director ang masusing imbestigasyon sa supplier ng kanilang ben­tilador.

Minamadali na rin ang pagsasaayos ng bahaging nasunog sa surgery ward upang agad na maibalik ang mga pasyenteng inilabas dito nang maganap ang sunog.

Iginiit ni Tee na hindi ma­aaring matagal na sarado ang naturang lugar dahil na rin sa dami ng pasyenteng dinala sa nasabing ospital. (Doris Franche)

vuukle comment

CRUZ MAYNILA

DORIS FRANCHE

DR. CARMELO ALFILOR

DR. MICHAEL TEE

IGINIIT

ISANG

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

RIZAL AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with