^

Metro

Kasuhan ni'yo kami! - PDEA

- Danilo Garcia -

Hinamon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Dionisio Santiago Jr. ang pamila ng mga tatlong drug suspect na tinaguriang Alabang Boys na sampa­han sila ng kasong ‘arbitrary detention’ kung sa palagay nila ay iligal ang patuloy nilang pagdetine sa mga suspek sa kabila na una nang napawalang sala ng mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ).

Nilinaw ni Santiago na patuloy na nakaditine sa PDEA Custodial Detention Center sina Richard San­tos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ra­ mirez Tecson base sa me­morandum order 46 na inapru­bahan ni dating Justice Sec­retary Simeon Datu­manong at patuloy na pina­patupad ng ahensya kung saan nakasaad na isasa­ilalim sa mandatory review at approval ng kalihim ng DOJ ang anu­mang kaso sa iligal na droga na napa­walang-sala ng kanilang mga pro­secutors.

Iginiit nito na hindi pa pinal at ‘executory’ ang desisyon na inilabas ng DOJ State Prosecutors dahil sa hindi pa naman ito narerebisa ni Secretary Raul Gonzalez.

Sinagot naman nito ang umano’y pagtatanggol ng ama ni Jorge Jordana Joseph na si “Johnny Midnight” na ‘social user’ la­mang ang kanyang anak at hindi drug pusher. 

Iginiit ni Santiago na ma­linaw ang mga ebiden­syang nakuha ng kanyang mga operatiba sa poses­yon ng mga suspek.

“Parang natural lang sa kanya na banggitin na “social user” ang kanyang anak, eh kung pumatay pala pwedeng sabihin na “social murder”. Kung anak ko iyan na user eh ma­­lamang bugbugin ko pa iyan,” ani Santiago.

Nanawagan rin si Santiago sa mga ahensya ng pamahalaan na ka­sama sa law enforcement ng pamahalaan na maging propesyunal naman pag­da­ting sa kampanya laban sa iligal na droga at huwag magtakipan.

Sa PDEA, hindi umano siya mangingimi na paim­bestigahan at patawan ng parusa ang kanyang mga opisyal at tauhan na mag­kakasala at ganito rin umano ang dapat ipatupad ng ibang ahensya na dapat ay kakampi nila sa pag­sugpo sa iligal na droga partikular na sa DOJ.

vuukle comment

ALABANG BOYS

CUSTODIAL DETENTION CENTER

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

IGINIIT

JOHNNY MIDNIGHT

JORGE JORDANA JOSEPH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with