^

Metro

Asawa ni Katrina Paula inambus, patay

- Danilo Garcia -

Patay ang isang ne­gosyante at asawa ng isang dating sexy starlet makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakila­lang suspek sa tapat ng bahay nito, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nasawi sanhi ng tat­long tama ng bala ng hindi pa mabatid na ka­libre ng baril ang bikti­mang si Anthony Yap, 38,   residente ng Sorsogon St., Brgy. Nayong Kan­lu­ran, ng naturang lungsod.

Patuloy na nagha­hanap naman ng saksi ang pulisya na posibleng nakakita ng pangyayari at makakilala sa tumakas na mga suspek.

Sa inisyal na ulat ng Que­zon City Po­lice Dis­trict-Cri­minal In­ves­ti­gation and Detection Unit, na­ ganap ang pama­maril pasado alas-6 ng umaga sa tapat ng apart­ment nito sa nabanggit na lugar.

Nabatid na papasa­kay na ng kanyang kotse si Yap nang huminto sa tapat nito ang isang mo­tor­siklo lulan ang dala­wang gunman. Dito sunud-sunod na pinapu­tukan ng malapitan ng mga salarin si Yap at ma­bilis na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.

Sa inisyal na imbes­ti­gasyon, sinabi ni Homi­cide Section chief, Supt. Marcelino Pedrozo, ang­gulo ng love triangle‚ ang ma­susi nila ngayong tinu­tutukan. Si Yap ay ang asawa ng dating sexy star­let na si Katrina Paula na nagretiro na sa pelikula.

Nabatid na nitong na­karaang Ok­tubre, pi­na­­ula­­ nan din ng bala ng mga hindi na­ki­lalang sus­pek ang kotse ni Yap sa tapat ng pag-aari nitong bar na Pa­radise Club at Me­tallica Club sa Quezon City.

Isang negosyante rin na hindi muna binanggit ng pulisya ang idine­man­da ni Yap sa na­turang insidente na siya ring hinihinalang nasa likod ng pamamaslang sa bik­tima. Napag-ala­man na masugid uma­nong man­liligaw ni Katrina Paula ang suspek na pilit na nanunuyo sa kabila na may-asawa na ito.

vuukle comment

ANTHONY YAP

CITY PO

DETECTION UNIT

KATRINA PAULA

MARCELINO PEDROZO

NABATID

NAYONG KAN

QUEZON CITY

SHY

SI YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with