^

Metro

Driver at konduktor na holdaper timbog

-

Kalaboso ang binag­sakan ng isang driver   at konduktor ng pampasa­herong dyip makaraang holdapin umano ng mga ito ang kanilang mga pasa­hero kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang mga sus­pek na sina Mark Joseph Morada 21, konduktor; at drayber na si Luisito Ramos, 39.

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong alas-8:30 ng gabi ng mag­pahayag ng holdap ang mga ito sa kahabaan ng Santos St. Brgy. Concep­cion Uno ng nasabing lung­sod. Nabatid sa mga bikti­mang pasahero habang dumadaan sila sa madilim na lugar ay naglabas ng jungle bolo ang konduktor na si Morada at nagpa­hayag ng holdap na ka­nilang ikinagulat. 

Subalit isa sa mga ito ay nakatalon at mabilis na nakapagsumbong sa nag­papatrol na pulisya dahilan upang rumisponde ang mga ito na ikinaaresto ng mga suspek.Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang mga gamit at pitaka ng mga biktima ng makorner ng pulisya.

Kasong robbery-hol­dap ang kinakaharap ng mga suspek na kasaluku­yang nakapiit sa Marikina deten­tion cell. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

CONCEP

EDWIN BALASA

KALABOSO

LUISITO RAMOS

MARIKINA CITY

MARK JOSEPH MORADA

SANTOS ST. BRGY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with