^

Metro

Bangkay ng GRO natagpuan sa condo

-

Pinipigil ngayon sa himpilan ng pulisya ang dalawang Afri­can national matapos na madis­kubre sa bahay ng mga ito ang bangkay ng isang 21-anyos na Guest Relation Officer (GRO) sa Pasig City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Christo Daniels, 48, live-in partner ng biktima at Ronald Terense, 48 , kapwa residente ng #12 Narra St., Valle Verde III, Brgy. Ugong ng lungsod na na­banggit. Samantala, pinag­ha­hanap din ang ka­tulong ng mga ito na nakilalang si Daisy Libuna, tubong-Iloilo na hindi na rin bumalik ng mag­paalam sa mga amo.

Kinilala naman ang biktima sa alyas Jenny, GRO ng Heart­beat Disco, ito ay natagpuang na­­aagnas sa loob ng stock room ng bahay na naka­silid sa itim na trash bag na mahigpit na tinalian.

Sa ulat, natagpuan ang bang­kay ng biktima matapos na hanapin ng stay-in drayber ng mga suspek na nakilalang si Andrew Manabat dakong alas-3 ng hapon. Laking gulat nito nang tumam­bad sa kanya ang na­aagnas na bangkay ng bik­tima nang mahanap ang pi­nang­galingan ng amoy mula sa nasabing plastic bag. Base sa imbestigasyon ng SOCO, may limang araw nang patay ang bik­tima base sa itsura ng bangkay nito.

Lumalabas sa ginawang imbestigasyon na nagpaalam umano si Jenny kay Daniels noong Huwe­bes upang mag­tungo sa Bulacan para bisitahin ang mga kaanak subalit hindi na umano ito bumalik pa. Biyernes naman nang magpaalam si Libuna kay Daniels para pu­munta umano sa mga kamag-anak dahil may ipinadala umano sa kanya at kukunin niya ito subalit hindi na rin bumalik.

Isang masusing imbesti­gas­yon ang gina­ gawa ng pulisya para sa agarang paglutas ng kaso at inaalam na nila ang puwe­deng puntahan ni Libuna para makapagbigay linaw sa na­sabing krimen. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANDREW MANABAT

CHRISTO DANIELS

DAISY LIBUNA

EDWIN BALASA

GUEST RELATION OFFICER

KINILALA

LIBUNA

NARRA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with