Kaso vs Lim, 21 pa, hindi magtatagumpay – Mla. legal chief
() - August 17, 2008 - 12:00am

Malaki ang paniniwala ni Atty. Ric dela Cruz, Chief  City Legal ng Maynila na hindi magta­tagum­pay ang kasong  graft at grave coercion   na isinampa laban kay Manila Mayor Alfredo Lim at iba pang  opisyal matapos  ang gina­wang  take-over ng  city government sa Vitas Slaughterhouse na pinangangasiwaan ng Dealco Farms.

Ayon kay  dela Cruz,  handang-handa silang  sagutin ang  kaso ng isasampa sa kanila dahil bago pa man umano  nila isagawa ang  take over ay pinag-aralan muna nilang mabuti ang  sitwasyon at kahihinatnan nito.

Kamakalawa ay nagsampa ng kaso sa Office of  the Ombudsman ang Dealco Farms, Inc., kay Lim at sa  may 20 city officials ka­bilang na ang mga pulis bunsod ng umano’y marahas na take-over ng slaughterhouse noong Hulyo 11.

Sinabi ni dela Cruz  na  una na silang nagsampa ng kasong paglabag sa ethical Standards  sa Ombudsman  laban  kay   Coun­cilor Dennis Alcoreza  dahil na rin sa pagiging stock­holder nito ng Dealco Farms, saman­talang kasalukuyan itong konsehal ng Maynila.

Napag-alaman pa kay Dela Cruz, na  noong isang taon pa  inabisuhan at pinaalalahan ng city government ang Dealco Farms na po­sibleng bawiin ang  operasyon ng slaughter house kung  patuloy na lalabag sa  agreement at mabibigong magbayad ng kanilang  upa at    share. Ngunit sa patuloy na pagbabalewala ng Dealco, napilitan nang magpalabas ng sunud-sunod na executive orders ang city government  kabilang na sa kabiguan  ng kompanya na ipaayos ang slaughterhouse.

Muli ring iginiit ni  Dela Cruz na hindi naman  maaaring i-nullify  ng city  council ang  takeover dahil legal ang  naging order ng  alkalde. (Doris Franche)

CITY LEGAL CRUZ DEALCO FARMS DELA CRUZ DENNIS ALCOREZA SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with