^

Metro

Mall sa Pasay, naabo sa sunog

-

Daan-daang mga pa­sa­hero ang na-stranded, habang isang fire volunteer naman ang itinakbo sa pa­gamutan makaraang ka­pu­sin ito ng hininga sanhi ng makapal na usok nang lamunin ng apoy ang bu­ong apat na palapag na gusali ng Welcome Plaza Mall, kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Habang isinusulat ang balitang ito, kahapon ng hapon ay patuloy pa ring nagliliyab ang apoy sa nasabing mall na nagsi­mulang masunog dakong alas-2 ng madaling-araw.

Batay sa ulat, nagsi­mula ang apoy sa main entrance 1 ng naturang mall.

Sa panayam naman sa security guard ng mall na si Inocensio Geroca, 35, una umano niyang napuna ang usok sa entrance 1 na nasa left wing ng Welcome Plaza Mall, dating Masa­gana Supermart na nasa tapat ng bagong tayong Pasay City Public Market, Taft Avenue, Pasay City. Kabilang sa natupok ang Puregold Supermarket.         

Pasado alas-3 ng ha­pon kahapon ay hindi pa rin ito tuluyang idinekla­rang “fire-out” ng mga pa­matay-sunog ang apoy, dahil naman sa ma­kapal na usok na luma­labas sa mall ay pansa­mantalang pina­tigil ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang biya­he ng  LRT-1 sa Baclaran, Liber­tad Station, Gil Puyat at mula Gil Puyat, Libertad Station hanggang Bacla­ran mula pa alas-7:20 ng umaga hanggang sa isinu­sulat ang balitang ito ka­hapon ng hapon. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

GIL PUYAT

INOCENSIO GEROCA

LIBERTAD STATION

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

PASAY CITY

PASAY CITY PUBLIC MARKET

SHY

WELCOME PLAZA MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with