^

Metro

Balikbayan todas sa snatcher

-

Nabigong makabalik pa sa Estados Unidos ang isang balik­bayan makaraang saksakin ito at mapatay ng isang snatcher, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Medical Center bunga ng isang  saksak sa dibdib ang biktimang si Felipito dela Cruz, 72, residente ng Marigold St., Pilar Village ng nabanggit na lungsod.

Samantala, arestado naman ang suspect na si Luciano Boyles, alyas Dante,  27, tricycle driver residente ng Blk. 15, Lot 11, Gloria Compound, Las Piñas City.  Batay sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap  ang insidente sa Pilar Road, Almanza Uno, Las Piñas City.

Bago ito, kasama ng biktima ang kanyang manugang na pumasok sa isang karinderya para kumain. Nagkataon na naroroon din umano ang suspect at pinag-interesan ang dalang bag ng biktima, subalit hindi nito magawang holdapin dahil kasama ng huli ang manugang na si Derek Mones.  Nang akmang aagawin ang bag ng biktima, hinarang ito ng manugang kung kaya’t sinak­sak na lang nito ang una bago tumakas sa lugar na pinangyarihan.

Sa isinagawang follow-up operation, ang suspect ay nadakip sa kanilang bahay kung saan nakahanda na ang mga personal na kagamitan nito para sana tumakas. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALMANZA UNO

DEREK MONES

ESTADOS UNIDOS

GLORIA COMPOUND

LAS PI

LUCIANO BOYLES

MARIGOLD ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with