^

Metro

5 katao tiklo sa buy-bust

-

Limang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Hongkong Triad, ang napaulat na bumagsak sa kamay ng pulisya sa isina­gawang magkahi­walay na buy-bust operation sa Bi­nondo at Sta. Cruz, May­nila kamakalawa.

Kabilang sa mga sus­pek na kinasuhan ay sina John Lim, alyas Chicon Lim, 45, ng 42-A Tomas Mapua St., Sta. Cruz, Maynila; Danny Santos, 54, ng 4-B Church St., Grace Village, Quezon City; Oscar Sy, 42, ng #629 Ronquillo St., Quiapo, Maynila; Manuel Sy, 45, ng #629 Ronquillo St., Quia­po, Maynila at si Christian Espino, 29, waiter, ng #211 Dalton St., Filinvest, Que­zon City.

Sa ulat ni P/Supt. Nel­son Yabut, hepe ng MPD-Station 11, isinagawa ang buy-bust operation sa pa­nulukan ng Plaza Sta. Cruz at Bustos St., Sta. Cruz, Maynila at Tomas Mapua St., Binondo, Maynila.

Napag-alamang isang pulis ng PCP 11 ang nag­silbing poseur-buyer sa Bahagi ng Tomas Mapua kung saan nakaparada ang kotse ng mga suspek.

Nadakip ang apat sa kotse habang ang grupo ay sa bahay ni John Lim na pinaniniwalaang source ng shabu. (Judy Bermudo)

vuukle comment

A TOMAS MAPUA ST.

B CHURCH ST.

BUSTOS ST.

CHICON LIM

CHRISTIAN ESPINO

CRUZ

JOHN LIM

MAYNILA

RONQUILLO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with