^

Metro

Poster ni BF, binaboy ng mga militante

-

Inumpisahan na ng mga militanteng grupo ang kampanya upang ibagsak ang umano’y ambisyon ni Metropolitan Manila De­ve­lopment Authority (MMDA) Chairman Bayani Fer­nando matapos na babuyin ang malaking poster nito sa kalsada kahapon ng uma­ga sa Quezon City.

Isang maigsing kilos- pro­testa sa kahabaan ng Quezon Avenue ang isina­gawa ng lagpas 20 miyem­bro ng Kadamay (Kalipu­nan ng Damayang Mahi­hirap) kung saan naging sentro nito ang pagpintura sa malaking poster ni Fer­nando sa southbound lane ng service road nito.

Ayon sa Kadamay, hin­di umano nila hahayaan na makaupo bilang Pangulo ng bansa si Fernando kahit na ano ang mangyari.  Ti­na­wag pa ng mga ito si Fer­nando na isa umanong dik­tador dahil sa walang awa umano nitong demolisyon sa mga mararalitang taga-lungsod. Wala namang na­ gawa ang pulisya sa na­tu­rang ak­syon ng mga mili­tante ma­tapos na agad na magsi­alis ang mga ito ma­tapos ang pambababoy sa poster ni Fernando.

Nabatid naman na ang mga miyembro ng Kada­may ang nakasagupa ng demolition team ng MMDA sa isinagawang paggiba sa mga puwesto sa UP Wet and Dry Market sa Com­mon­­wealth Ave. nitong na­ka­ra­ang linggo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FER

DAMAYANG MAHI

DANILO GARCIA

DRY MARKET

FERNANDO

KADAMAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with