^

Metro

Pulis humabol sa snatcher inatake sa puso

-

Kritikal ang kondisyon ng isang 41 -anyos na pulis Maynila matapos itong ata­kihin sa puso habang ina­aresto ang isang umano’y snatcher na tumatakas ka­hapon ng hapon sa Bi­nondo, Maynila.

Sinasabing nasa coma­tose stage habang nilala­pa­tan ng lunas sa Metro­po­li­tan Hospital ang bikti­mang si PO3 Reynaldo Cuna ng Anti-Crime Unit ng Manila Police District (MPD) Station 11 (Binondo).

Sa  inisyal na report, da­­kong alas-12:15 ng hapon  nang makatanggap ng tawag buhat sa hindi nagpakilalang complainant sa Escolta St., Binondo, dahil sa nabiktima umano ito ng mga snatcher.

Kaagad umanong ni­res­pondehan ng grupo ni Cuna ang naturang tawag at nang makarating sila sa nabanggit na lugar ay ingi­nuso ng complainant ang mga suspek.

Nasa aktong kinokom­pronta ni Cuna ang mga hindi nakilalang suspek ngunit nagkaroon ng ko­mos­yon at tinangkang tu­makas ng suspek kaya nagkaroon ng habulan ngunit  ilang minuto lang ang nakaraan ay nanikip umano ang dibdib ni Cuna kaya’t agad  itong isinugod sa nabanggit na ospital.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek na ka­salukuyang iniimbesti­ga­han  ng pulisya. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ANTI-CRIME UNIT

BINONDO

CUNA

ESCOLTA ST.

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with