^

Metro

Siga inutas habang natutulog

-

Tinapos ng isang lalaki ang pagdurusa nito sa kamay ng isang 40-anyos na siga ma­tapos niyang tadtarin ng sak­sak ang huli habang mahim­bing na natutulog sa loob ng kanyang kuwarto sa Caloocan City kamakalawa. 

Dead-on-arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si Wilfredo Panganiban, walang trabaho at residente sa 1917 San Antonio St., Area B, Ba­rangay 174, Camarin sa lungsod.

Nakilala naman ang sus­pek na si Alex Lopez ng Sa­mapatos St., Area D, Brgy 176, Camarin sa nasabi ring lugar na mabilis na tumakas. Sa ulat ni SPO1 Wilson Reyes, alas-10:30 ng gabi sa loob mismo ng kwarto ng bik­tima habang ito ay mahimbing na natutulog ng bigla na lamang sumulpot sa kwarto ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Ayon kay Reyes, siga-siga umano ang biktima sa na­sabing lugar at madalas na ginagawang laruan nito ang suspek na madalas pinagti-tripang insultuhin at batok-batukan. Dahil sa madalas na naiinsulto ay nagtanim na umano ito ng galit at ginawa ang nasabing krimen.

“Astigin kasi ’yung biktima lalo na kapag lasing, kaya ’yung suspek dahil hindi naman niya kaya ’yung bik­tima kapag gising, sinaman­tala na natutulog ito, para walang kalaban-laban,”sabi pa ni Reyes.

Tinangka pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara din itong patay. Patuloy naman ang pagtugis ng awtoridad laban sa suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ALEX LOPEZ

AREA B

AREA D

CALOOCAN CITY

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

REYES

RICKY TULIPAT

SAN ANTONIO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with