^

Metro

Barbero binoga ng nakatitigan

-

Binaril at napatay ang isang 48- anyos na barbero matapos itong barilin ng isang lalaki na umanoy kanyang nakatitigan kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz Maynila. Nasawi  habang ginagamot sa Metropolitan Hospital dakong  alas-3:40  ng  madaling-araw  kahapon  ang  biktimang  si Ronnie Rayo,48  at  residente  ng  1612 Mayhaligue St. ng nasabing lugar. Inaalam  naman  ng  mga  awtoridad  ang  pagkakilanlan  sa suspek  na  tinatayang  nasa gulang na  35 -anyos, katamtaman ang laki ng katawan    at  nakasuot ng  polo  barong. Ayon  sa  ulat, bumibili  umano  ng pagkain  ang  biktima dakong alas-9:50  ng  gabi  sa  may  sidewalk  sa  may  kahabaan  ng Mayhaligue  St. corner Natividad  St.,Sta. Cruz,Manila nang hindi sinasadyang  napatingin  ang  biktima sa suspek  na  noon  ay   umiinom  ng  alak  sa loob  ng  restaurant malapit  sa  tindahang  binibilhan  niya  ng ulam. Maya-maya  ay  biglang  lumabas  ang  suspek  at  walang sabi-sabing  binaril  ang  biktima na  tinamaan  sa  ulo  at  likod habang mabilis namang tumakas ang suspek dala ang kanyang ginamit na baril. (Gemma Amargo-Garcia)

Supervisor niratrat sa harap ng anak

Napatay sa harapan mismo ng kanyang 9- anyos na anak ang isang maintenance supervisor matapos itong tambangan ng hindi nakikilalang suspek habang papalabas sa kanyang pinagta-trabahuhan kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Edilberto Namingot, 43, maintenance supervisor ng isang storage ice plant  at residente ng 2460 Malaya St., Balut, Tondo sanhi ng tama ng bala sa ulo, mukha at likurang bahagi ng katawan. Inilarawan naman ang suspek na lalaki na may edad sa pagitan ng 30-39, may taas na 5 hanggang 5’2’’, malaki ang panga­ngatawan, maiksi ang gupit  ng buhok na may kulay, nakasuot ng kulay dilaw at blue na long sleeve. Ayon sa ulat, dakong 7:25 ng gabi nang naganap ang pananambang malapit sa Luz Storage Ice plant sa harapan ng Farmacia Monique sa Balut, Tondo. Kalalabas lamang umano ng biktima mula sa pinagtratrabahuang Ice plant storage sakay ang kanyang owner type jeep (NAK 514) kasama ang kanyang 9 -anyos na anak na si Adrian nang harangin siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril ito. Nang makitang humandusay ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspect, habang hindi naman ginalaw ang anak nito. Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagpatay sa biktima. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

CRUZ MAYNILA

EDILBERTO NAMINGOT

FARMACIA MONIQUE

GEMMA AMARGO-GARCIA

INAALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with