^

Metro

P20-M halaga ng ari-arian, naabo sa sunog

-

Tinatayang aabot sa  P20M halaga ng mga ari-arian ang naabo matapos ang naganap na sunog sa isang pabrika ng mga karton kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Nabatid na halos maabo ang warehouse ng Philpack Commercial Corporation na pag-aari ng isang Tomas Co na matatagpuan sa Dizon Compound, Marcelo Street, Brgy. Maysan ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report,  bandang alas-5:25 ng madaling-araw nang maglagablab ang apoy sa loob ng production area ng nasabing pabrika at dahil pawang mga karton ang nakaimbak kung kaya’t naging mabilis ang pagkalat ng apoy na naitala sa 4th alarm.

Bukod sa pabrika, nadamay din sa sunog ang sasak­yan ng may-ari na isang Mitsubishi van na may plakang RCK-833 at isang mini-forklift kung saan wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Dakong alas-10:15 na ng umaga nang maapula ang sunog.

Patuloy pa ring inaalam ang pinagmulan ng sunog. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

DIZON COMPOUND

LORDETH BONILLA

MARCELO STREET

PHILPACK COMMERCIAL CORPORATION

TOMAS CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with