^

Metro

Binata, tinadtad ng bala

-
Isang 20-anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Daniel Soriano, ng #159 Sanchez St. Brgy. Commonwealth, Quezon City habang mabilis namang nakatakas ang suspect.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa Tabigo St. Quezon City.

Papauwi na ang biktima galing sa pagsamba nang bigla itong harangin ng suspect at barilin nang malapitan ng dalawang ulit at saka umalis.

Subalit makalipas ang ilang minuto ay muling bumalik ang suspect at saka apat na beses pang pinaputukan ang biktima upang masigurong patay na ito.

Inaalam pa ng pulisya ang mga posibleng kaaway ng biktima at ang motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)

vuukle comment

DANIEL SORIANO

DORIS FRANCHE

INAALAM

ISANG

PAPAUWI

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

SANCHEZ ST. BRGY

SUBALIT

TABIGO ST. QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with