^

Metro

3 kinasuhan sa killer octopus ride

-
Sinampahan na ng kaso kahapon ang tatlo katao na responsable sa pagkamatay ng isang 10-anyos na batang babae at pagkasugat ng anim na iba pa makaraang makalas ang isa sa galamay ng octopus ride na kinalululanan ng mga biktima sa isang mini-carnival noong araw ng Pasko sa Marikina City.

Ang mga suspect na sina Antonio Magas, 51; anak na si Jeffrey, 20; at Elmer Esguerra, 36, operator at manager ng octopus ride ay sinampahan na ng kasong negligence resulting to homicide and serious physical injuries sa pagkamatay ni Catherine Diane Picandal, at pagkasugat ng anim na iba pa na nakilalang sina Kimberly, 14, kapatid ng nasawi; Dianalyn Reyes, 12; Robin, 15, kapatid na si Rudy Tamayo, 13; Raymond Abagon, 17; at kapatid na si Ronald, 15, nang bumagsak ang galamay ng sinasakyan nilang octopus ride dakong alas-4:30 ng hapon noong Lunes, araw ng Pasko.

Samantala, bukod sa tatlong suspect ay nakatakdang kasuhan din ang umano’y may-ari ng mini-carnival na nakilalang si Roy Atienza at hinihintay pa ang paglabas ng warrant of arrest laban dito.

Patuloy pa ring nasa kritikal na kondisyon ang kapatid ni Catherine na si Kimberly at mula sa Amang Rodriguez General Hospital ay inilipat ito sa Medical City sa Pasig City.

Dahil sa pangyayari ay pansamantalang ipinasara ni Marikina City Mayor Ma. Lourdes Fernando ang mga rides sa mini-carnival na matatagpuan sa Marikina River Park, Brgy. J. dela Peña ng nasabing lungsod.

Humihingi naman ng tawad ang mga nakulong na suspect sa mga magulang at kaanak ng mga biktima dahil hindi rin nila ginusto ang nangyari at talagang aksidente umano ang pangyayari. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ GENERAL HOSPITAL

ANTONIO MAGAS

CATHERINE DIANE PICANDAL

DIANALYN REYES

EDWIN BALASA

ELMER ESGUERRA

KIMBERLY

LOURDES FERNANDO

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY MAYOR MA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with