^

Metro

Magpipinsan nagsaksakan: 2 patay

-
Patay ang dalawang lalaking magkamag-anak makaraang magsaksakan sila dahil sa matagal nang alitan ng mga pamilya ng magkita sa isang lugar, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Virgilio Tapales 41, negosyante at Rene Laping 32, binata, kapwa residente ng Unit 3, Purok 12, Baybay Sapa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Samantala pinaghahanap pa ng pulisya ang kapatid ng nasawing Laping na nakilala lamang sa alyas Bugoy na mabilis na tumakas matapos pagsasaksakin si Tapales.

Ayon kay PO3 Orlando Salen, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi ng magkita ang magpipinsan sa kahabaan ng Bronze St. Concepcion Dos ng nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ni Tapales ang kanyang asawa sa motorsiklo pauwi na sana ng bahay ng bigla na lang lapitan ng magkapatid na Laping.

Sinikap namang umiwas ni Tapales ng makaamoy ng panganib at tumakbo palayo subalit hinabol ito ng magkapatid na Laping na pawang armado ng patalim at nang makorner sa isang kanto ay pinagtulungan itong saksakin ng magkapatid.

Subalit kahit may tama ay nagawa pa ring mabunot ni Tapales ang kanyang kutsilyo na nakatago sa beywang at nasaksak pa nito si Rene sa kanang hita.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas si Bugoy at iniwan ang kanyang sugatang kapatid habang nagawa namang makahingi ng tulong ng asawa ni Tapales upang maisugod ang asawa sa pagamutan subalit idineklara na ring dead on arrival sa Amang Rodriguez Medical Center, habang si Laping naman ay nasawi din dahil sa dami ng dugong nawala ng magtamo ng saksak sa hita. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BAYBAY SAPA BRGY

BRONZE ST. CONCEPCION DOS

BUGOY

EDWIN BALASA

LAPING

MARIKINA CITY

ORLANDO SALEN

TAPALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with