^

Metro

Tsuper, inatado ng kapitbahay

-
Nasawi ang isang 36-anyos na jeepney driver makaraang ataduhin ito ng saksak ng kanyang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Patay na ng idating sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Edgardo Francisco, ng San Miguel St., Gulod, Novaliches, nabanggit na lungsod, habang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Ceboy.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:15 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quirino Highway at Susano Road, nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang naglalakad umano ang biktima nang makasalubong nito ang lasing na suspect at magtalo ang mga ito, hanggang sa bumunot ng patalim ang huli at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang una sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinikap pang dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay, habang ang suspect ay mabilis namang tumakas matapos ang nasabing insidente. (Doris Franche)

vuukle comment

BATAY

CEBOY

DORIS FRANCHE

EDGARDO FRANCISCO

GULOD

NOVALICHES DISTRICT HOSPITAL

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

SAN MIGUEL ST.

SUSANO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with