^

Metro

P15 dagdag na pasahe sa taxi, hinirit din

- Ni Angie dela Cruz -
Makaraang humirit ng P1.25 taas sa minimun fare sa mga pampasaherong jeep, P2 fare increase naman sa regular bus, taxi naman ngayon ang nagnanais na maitaas ang pasahe sa halagang P15.00.

Sa isang panayam kay Leonora Naval, Pangulo ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), sinabi nitong dapat ng itaas ang halaga ng singil sa pasahe sa mga taxi dahil sila man ay naaapektuhan din sa patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina.

Nais ng ATOMM na aksiyunan na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang matagal ng petisyon nito para sa fare increase noong Agosto 2005.

Hiniling ng ATOMM sa kanilang petisyon na madagdagan ng P15.00 ang kabuuang pasahe sa taxi.

"Halimbawang 100 ang metro sa taxi dadagdagan pa ito ng pasahero ng P15.00 at ang dagdag na ito ay may malaking tulong sa mga driver na makabangon sa epekto ng oil price increase" pahayag ni Naval.

Niliwanag naman ng ATOMM na wala namang mababago sa flag down rate na P30.00 sa hakbangin nilang ito.

Magugunita na una nang sinabi ng ALTODAP at FEJODAP na magsasampa sila ng P1.25 na dagdag sa minimum fare para sa mga pampasaherong jeep at P2 naman ang hinihiling ng mga bus operator sa Metro Manila at 25 sentimos dagdag kada kilometro sa mga bus sa probinsiya.

vuukle comment

AGOSTO

ASSOCIATION OF TAXI OPERATORS

HALIMBAWANG

HINILING

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LEONORA NAVAL

MAGUGUNITA

MAKARAANG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with