^

‘Damo queen’ nalambat

() - April 5, 2006 - 12:00am
Bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang isang 48-anyos na binansagang ‘damo queen’ na nakuhanan ng 2 kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni PDEA Director General Anselmo Avenido Jr., ang suspect na si Aida Baybayan na residente ng #69 Gutierrez Compound, Taguig City.

Ayon kay Avenido, dakong alas-9 ng gabi nang masakote ng Special Enforcement Unit ng PDEA sa pamumuno ni P/CInsp. Jaime Santos ang suspect sa loob ng Wendy’s Restaurant sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Nabatid na isang tauhan ng PDEA ang nagpanggap na poseur buyer na binentahan naman ng suspect ng kanyang dalang marijuana kapalit ng P50,000 marked money.

Agad na inaresto ang suspect at nang suriin sa rekord ng PDEA ay lumalabas na kabilang ito sa order of battle ng nasabing ahensiya. (Joy Cantos)

AIDA BAYBAYAN ARANETA CENTER AVENIDO DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR. DRUG ENFORCEMENT AGENCY GUTIERREZ COMPOUND JAIME SANTOS JOY CANTOS QUEZON CITY SPECIAL ENFORCEMENT UNIT TAGUIG CITY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with