^

Metro

Most wanted criminal sa Valenzuela, timbog

-
Naaresto na ang tinaguriang 2nd most wanted criminal sa Valenzuela City na sinasabing namugot ng ulo ng kanyang kapitbahay nang mag-away ang mga ito sa nasabing lungsod may tatlong taon na ang nakakalipas.

Kasalukuyang nakapiit si Raul Tublaso, 42, ng Brgy. Imelda, Mondragon, Northern Samar.

Si Tublaso ang itinuturong namugot sa ulo ng biktimang si Zonbielo Yugo, 20, ng Area 4, Zone 5, Dumpsite, Pinagalad, Brgy. Malinta, Valenzuela City.

Ang pagkakaaresto sa suspect ay base na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Maria Nena Santos ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 171.

Base sa rekord ng pulisya, si Tublaso ang pumatay at pumugot ng ulo sa biktima noong nakalipas na Mayo 26, 2002 matapos na mag-away ang mga ito.

Nabatid na pinag-ugatan ng away ng dalawa ay nang suntukin ng biktima ang kapatid ng suspect. Dahil sa nais na ipaghiganti ang kapatid sinugod ng suspect sa bahay si Yugo na doon agad itong pinagsasaksak at nang humandusay ay pinagtataga ang ulo hanggang sa tuluyang kumalas sa katawan.

Mabilis na tumakas ang suspect at nagtago ng matagal na panahon hanggang sa matunton ang kanyang pinagkukutaan at naaresto. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BRGY

DAHIL

JUDGE MARIA NENA SANTOS

NORTHERN SAMAR

RAUL TUBLASO

ROSE TAMAYO

SI TUBLASO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ZONBIELO YUGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with