^

Metro

Stepdaughter ng mayamang trader, dinukot sa Caloocan

-
Isang 23-anyos na dalaga na stepdaughter ng isang mayamang negosyante ang dinukot ng dalawang hindi nakikilalang kalalakihan habang ang una ay nagbabantay sa kanilang hardware, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Ailyn Cadiao, stepdaughter ng negosyanteng si Richard Dadivas, 46, tubong Capiz, Roxas City at naninirahan sa Vista Verde, Phase 3, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang sapilitang kunin at tutukan ng baril si Cadiao sa loob ng RD Dadivas Coco Lumber & General Merchandising sa Lot 220 Blk. 8, General Luis, Kaybiga ng nasabing lungsod.

Nabatid na sapilitang isinakay ng mga suspect si Cadiao sa puting Kia Pride na walang plaka at mabilis na tumakas patungo sa Sitio Gitna, ng naturang lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspect na hinihinalang miyembro ng kidnap-for ransom gang. (Rose Tamayo)

vuukle comment

AILYN CADIAO

CADIAO

CALOOCAN CITY

DADIVAS COCO LUMBER

GENERAL LUIS

GENERAL MERCHANDISING

KIA PRIDE

RICHARD DADIVAS

ROSE TAMAYO

ROXAS CITY

SITIO GITNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with