QC fire official dawit sa anomalya?
October 10, 2005 | 12:00am
Unti-unti nang mabubunyag ang katiwalian sa Bureau of Fire Protection (BFP) matapos na masangkot ang dalawang opisyal nito na kinabibilangan nina Sr. Insp. Samuel Tadeo, hepe ng fire safety enforcement unit at Engr. Edwin Mejia.
Ayon sa QC Fire Figthers Association, posibleng masangkot din sa usapin si QC Fire Marshall Chief Insp. Oscar Villegas bunsod na rin ng pag-apruba nito sa umanoy pekeng dokumento na inindorso nina Tadeo at Mejia na ngayon ay may nakabinbing kaso sa Office of the Ombudsman.
Nabatid na si Mejia ay matagal ng pinepetisyon ng may 70 bumbero dahil sa pagkakasangkot nito sa extortion at bribery. Napag-alaman na sinibak na ito ni Chief Supt. Rogelio Asignado subalit muling ibinalik ng DILG.
Lumilitaw na magkasabwat umano sina Mejia at Tadeo upang lokohin ang negosyanteng si Johnny Tan, may-ari ng H & L Building sa Brgy. Commonwealth kung saan pinagmulta ito ng dalawang opisyal ng halagang P1.5 milyon dahil sa kawalan ng sprinklers sa establisimyento. Subalit nagkasundo ang dalawang opisyal at si Tan sa halagang P750,000 kapalit ang fire safety certificate.
Samantala, nag-isyu naman ng pekeng fire safety certificate sa PureGold Mall sa Commonwealth sina Tadeo at Mejia sa kabila ng kawalan din ng sprinkler. Nagmulta din ang nasabing establisimyento ng halagang P750,000. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest