^

Metro

Holdaper tumalon sa ilog, patay

-
Isang holdaper ang namatay matapos na tumalon sa ilog upang hindi mahuli habang tatlo namang kasamahan nito ang naaresto makaraang holdapin ang isang taxi driver kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Agad na nasawi sanhi ng pagkakalunod ang suspect na si Marcial Baha, 19, ng Phase 2, Caruncho Compound, Nangka ng nasabing lungsod samantalang nakapiit naman ngayon sa Marikina City Detention Cell sina Arnel Quining, 22; Rolito Javier, 25 at Marlon Nariates, 20.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 4 ng madaling araw nang holdapin ng mga suspect ang biktimang si Danilo Ligayo, 40, sa kahabaan ng Bonifacio Ave. Marcos Highway, Barangka ng nasabing lungsod.

Sakay ang mga suspect ng taxi ni Ligayo nang maglabas ng patalim at magdeklara ang mga ito ng holdap at kinuha ang P1,600 na kinita ng biktima.

Agad na tinabig ng biktima ang patalim at tumakbo sa isang gasolinahan kung saan may nakatambay na pulis.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspect kung saan agad na nadakip ang tatlo habang si Baha naman ay tumalon sa ilog at nalunod na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ARNEL QUINING

BONIFACIO AVE

CARUNCHO COMPOUND

DANILO LIGAYO

EDWIN BALASA

MARCIAL BAHA

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY DETENTION CELL

MARLON NARIATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with