^

Metro

Lalaking binigti sa puno ng mangga ng vigilante

-
Kakaibang estilo nang pag-salvage ang ginagawa ngayon ng isang grupo ng vigilante matapos na matagpuang nakabigti sa puno ng mangga ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na kanilang nilikida, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 17-19 anyos, may taas na 5’4’’ hanggang 5’5 talampakan, nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat na "Heaven’s Delight", maong na pantalon at tsinelas.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ni Jason Ruiz, isang pandesal vendor dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa Lizst St., Ideal Subdivision, Brgy. Commonwealth ng nasabing lungsod.

Ang biktima ay nakabigti sa puno ng mangga gamit ang telephone wire.

Wala sa mga residente sa lugar ang nakakakilala sa biktima kung kaya posible umanong doon lamang ito nilikida ng mga vigilante sa pamamagitan nang pagbigti.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa PNP Crime Laboratory upang isailalim sa awtopsiya. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BRGY

CRIME LABORATORY

DORIS FRANCHE

IDEAL SUBDIVISION

JASON RUIZ

KAKAIBANG

LIZST ST.

QUEZON CITY

ULAT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with