^

Metro

Mamboboso binoga,patay

-
Nabaril at napatay ng isang mister ang kanyang ka-boardmate matapos na mahuli niya itong namboboso sa paliligo ng kanyang misis, kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Manila.

Nasawi kahapona ng umaga dahil sa pagkaubos ng dugo sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Pangisaran Kalaw, 30, binata, tubong-Lanao del Sur at naninirahan sa ikalawang palapag ng bahay sa #23 B Rawatun St., Brgy. 648 Muslim Center, Quiapo.

Pinaghahanap naman ngayon ang tumakas na suspect na si Akil Deda-Agun Debaraton Moen, alyas Akil, nasa pagitan ng edad 30-34 at naninirahan din sa naturang kuwarto. Pinaghahanap din naman ang anim nitong kasamahan.

Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-4 kamakalawa ng hapon kung saan nahuli sa akto ng suspect si Kalaw na binobosohan ang kanyang misis na si Koling.

Nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan. Nang maawat, agad na umalis si Akil at nang bumalik ay kasama na ang anim na lalaki.

Ayon sa saksing si Sairah Ampatua, nakita umano niya na ang misis mismo ng suspect ang nag-abot ng kalibre .45 baril sa asawa na agad namang pinuntahan ang biktima at pinagbabaril.

Tinamaan ang biktima sa itaas na bahagi ng hita at buhay pa nang isugod sa pagamutan ngunit dahil sa pagkaubos ng dugo ay binawian na rin ito ng buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AKIL

AKIL DEDA-AGUN DEBARATON MOEN

B RAWATUN ST.

DANILO GARCIA

HOMICIDE DIVISION

METROPOLITAN HOSPITAL

MUSLIM CENTER

PANGISARAN KALAW

PINAGHAHANAP

SAIRAH AMPATUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with